120 - Ating Haring Paririto

Ating Haring paririto
Yaong ipinako sa krus,
Sanhi sa sala ng tao
Dugo ay nabuhos!

REFRAIN

Sa pinto, sa pinto,
Sa pinto, sa pinto,
Sa pinto, Siya'y nasa pinto!
Dumarating! Dumarating!
Dumarating! Dumarating!
Siya ay dumarating!

Nguni't mga banal lamang
Tangi Niyang titipunin
Upang ganti ay pakamtan
Sa langit dadalhin.

REFRAIN

Sa pinto, sa pinto,
Sa pinto, sa pinto,
Sa pinto, Siya'y nasa pinto!
Dumarating! Dumarating!
Dumarating! Dumarating!
Siya ay dumarating!

Mga tandang inihayag
Sa muli Niyang pagdating
Matuling nangatutupad
Nakikita natin!

REFRAIN

Sa pinto, sa pinto,
Sa pinto, sa pinto,
Sa pinto, Siya'y nasa pinto!
Dumarating! Dumarating!
Dumarating! Dumarating!
Siya ay dumarating!

Huwag umasang lilipas
Bagabag dito sa lupa
Hanggang banal ay maligtas
At sama'y mapuksa!

REFRAIN

Sa pinto, sa pinto,
Sa pinto, sa pinto,
Sa pinto, Siya'y nasa pinto!
Dumarating! Dumarating!
Dumarating! Dumarating!
Siya ay dumarating!

0:00 0:00